Friday, June 22, 2012

Isang maikling gabay sa paggawa ng isang matagumpay na blog



1. Maghanap ng inspirasyon o layunin para magsulat, tumula o gumuhit.
                Gaano katagal?
                                Hindi matitiyak na oras
                Paano?
                                Ito ay para mapadali at minsan mapaganda ang paggawa ng blog dahil ito ang dahilan kung bakit mo ginawa ang blog.
2. Gawin ang blog.
                Gaano katagal?
                                10-20 na minuto.
                Paano?
                                Pagkatapos maghanap ng inspirasyon, mamili ka kung saan mo gagawin ang blog mo kung sa blogspot , wordpress, tumblr o kaya sa iba pang mga website.

3.Pangalanan ang blog.
Gaano katagal?
                                10-30 na minuto.
                Paano?
                Pagkatapos pumili kung saan, pangalanan mo ang iyong blog. Alalahanin dapat na ang pangalan ay mayroong kinalaman sa iyong inspirasyon. Dapat, sa pangalan pa lamang, alam na ng lahat kung ano ang gusto mong gawin at ipahiwatig.

4. Gumawa ng mailalagay sa blog upang gawing matagumpay ang blog.
                Gaano katagal?
                                30 minuto hanggang isang linggo.
                Paano?
                                Ngayong nakagawa na ng isang blog, maaari nang simulan ang paglagay ng laman ng blog. Bago magsimula, isipin muna kung ano ang nais ilagay: hiwatig, kuwento, tula, imahe o laro. Ang mga nilalaman nito ay naaayon sa inspirasyon o layunin ng blog. Ito ang pinakamatagal na bahagi upang lumikha ng isang matagumpay na blog dahil hindi maaaring madaliin ito at kailangang pag-isipan ng mabuti. Ang bahaging ito ay uulit-ulitin para maging matagumpay ang blog.

5.Karagdagang maaaring gawin para maging matagumpay ang blog.
                Gaano katagal?
                                10 minuto hangang 5 oras.
                Paano?
                                Maaaring lagyan ng "music player", palitan ang disenyo o  palitan ang kulay ng blog para mapaganda ang blog.

2 comments:

  1. Dahil ibig ko ang ideya ng entry, bibigyan kita ng pagkakataon na ayusin ito, Luke. Kapag naayos ito (naiwasto ang lahat ng mali sa baybay, halimbawa'y "maaari," hindi "maari" at "pinakamatagal," hindi "pinaka matagal"; gayundin ang mga suliranin sa pagbubuo ng pahayag (maling syntax, mali o di paggamit ng bantas), maaaring makakuha ito ng isang markang pagtaas. Gawing higit na interactive din ang entry; halimbawa'y ilagay ang link sa mismong site na tinutukoy, o magbigay ng halimbawa o ilustrasyon sa mga sinasabi sa bawat hakbang. Tanda ang mga iyon ng pagbibigay ng kaukulang panahon at atensiyon sa ginagawa.

    ReplyDelete
  2. Mukhang minadali pa rin ito, Luke. Sayang ang pagkakataon na gawing higit pang interactive ang entry; dahop pa rin sa ilustrasyon o pagbibigay-halimbawa. Nagbigay sana ng panahon para rito. Bumawi sa mga susunod na entry at basahin din ang http://nobelangatisan.blogspot.com/2012/06/checklist-bago-ipasa-ang-blog-entry.html para sa mas matagumpay na blog entry.

    ReplyDelete